eastern visayas
Ang Kanyang Mga Mata
by Clodualdo del Mundo
Dalawang bituing
kumikislap-kislap
sa gitna
ng dilim. . .
Tambal ng aliw
na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako'y
naninimdim. . .
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang maliw!
Takipsilim
ng isang pusong
di magtataksil!
kumikislap-kislap
sa gitna
ng dilim. . .
Tambal ng aliw
na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako'y
naninimdim. . .
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang maliw!
Takipsilim
ng isang pusong
di magtataksil!
Ang Matampuhin
by Lope K. Santos
Damong makahiya na munting masanggi'y
nangunguyumpis na't buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na konti't
halik ng amiha'y mabigla sa dampi
mga kinaliskis na daho'y tutupi't
tila na totoong lanta na't uns'yami.
Mutyang balintataw ng buwang maningning
sa salang mabiro ng masayang hangi'y
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa'y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.
Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan;
isang munting batong sa kanya'y magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.
Matingkad na kulay ng mayuming sutlang
kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot na't agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya' y
pinamamahayan ng ipis at tanga.
Kalapating puting may batik sa pakpak,
munting makalaya'y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.
Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay
ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
lalo sa pag-irog, ang tampo'y di bagay
kaning maya't-maya at, nakamamatay!
nangunguyumpis na't buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na konti't
halik ng amiha'y mabigla sa dampi
mga kinaliskis na daho'y tutupi't
tila na totoong lanta na't uns'yami.
Mutyang balintataw ng buwang maningning
sa salang mabiro ng masayang hangi'y
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa'y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.
Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan;
isang munting batong sa kanya'y magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.
Matingkad na kulay ng mayuming sutlang
kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot na't agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya' y
pinamamahayan ng ipis at tanga.
Kalapating puting may batik sa pakpak,
munting makalaya'y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.
Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay
ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
lalo sa pag-irog, ang tampo'y di bagay
kaning maya't-maya at, nakamamatay!
Dahil Sa Pag-ibig
by IƱigo Ed. Regalado
KAHAPON...
Sa tingin ko'y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo'y lason.
NGAYON...
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa't makita,
pati ng libingang malayo't ulila
wari'y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala'y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo'y
nagwagi ang layon.
BUKAS...
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa'y
mahirap mataya...
Sa tingin ko'y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo'y lason.
NGAYON...
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa't makita,
pati ng libingang malayo't ulila
wari'y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala'y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo'y
nagwagi ang layon.
BUKAS...
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa'y
mahirap mataya...
Sa Tabi ng Dagat
by Ildefonso Santos
Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni't walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin...
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...
manaog ka, Irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni't walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin...
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...
Ang Awit ni Maria Clara
Kay tamis ng oras sa sariling bayan,
Kaibigan lahat ang abot ng araw,
At sampu ng simoy sa parang ay buhay,
Aliw ng panimdim pati kamatayan.
Maalab na halik ang nagsaliw-saliw
Sa labi ng inang mahal, pagkagising;
Ang pita ng bisig as siya'y yapusin,
Pati mga mata'y ngumgiti mandin.
Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay,
Doon sa kasuyo ang abot ng araw;
Kamatayan pati ng simoy sa parang
Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan.
Kaibigan lahat ang abot ng araw,
At sampu ng simoy sa parang ay buhay,
Aliw ng panimdim pati kamatayan.
Maalab na halik ang nagsaliw-saliw
Sa labi ng inang mahal, pagkagising;
Ang pita ng bisig as siya'y yapusin,
Pati mga mata'y ngumgiti mandin.
Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay,
Doon sa kasuyo ang abot ng araw;
Kamatayan pati ng simoy sa parang
Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento